Mishaps in a brief period of time

Mishaps in a brief period of time of gemini on November 24, 2009 at 01:29 AM |

How much more unlucky could I possibly be?

Nagbabasa ako ng libro sa bus. Nakatulog ako. Supposedly, nagigising ako pag nasa Zapote na or Coastal. At kung hindi man ako magising, maririnig ko yung sigaw ng conductor na "ZAPOTE! O MGA ZAPOTE DIYAN!" at dun ako magigising.

Pagmulat ko ng mata ko, tumingin ako sa kanan. May mga puno akong nakita. Siyempre medyo blurry pa ang vision ko nun, akala ko nasa Coastal pa ko. Natulog pa nga ako ng konti e. Tapos bigla kong tinignan ulit, SIYET NASA GREENVIEW NA AKO. censored.gif

Yup, lumampas ako.

Siyempre first instinct ko ay bumaba. So hinanda ko lang sarili ko. Nilinis ko lang yung eyeglasses ko kasi nagkaroon ng konting fingerprints at lumabo. Nang biglang...

Natanggal ang right lens. censored.gif. censored.gif!!

Wow, strike 2.

Edi pagbaba ko, inayos-ayos ko siya. Actually sira na talaga 'tong salamin ko, naaayos ko lang. Medyo nababalik ko lang sa dati. E kanina, kahit anong gawin ko hindi ko na mabalik. Ayoko paganahin ang pessimism ko, so nag-isip ako ng positive. Ng blessing in disguise. Naisip ko na baka nga blessing in disguise ang pagkalampas ko sa bus, at nagising ako malapit na sa RFC at sa pagkasira ng salamin ko para hindi na ko maghintay ng weekend para ipaayos ito.

So nagpunta ako ng RFC. Sabi ko pa-repair. Hindi maayos ni ate. Nagkamali rin ako dahil sana pala pinaiwan ko na dun para maayos na bukas. Ang tanga ko, mehn!

Ang lakas pa ng loob kong maglakad mula sa kanto namin hanggang sa bahay ng walang salamin. Na-weird-uhan rin ako dun sa mga nakakasalubong ko kasi alam mo yun, pag lumampas na sila, kahit gano kalabo ang mata mo, makikita mo pa rin sila kahit blurry. Nakita ko na pagkalampas ko sa kanila, nagti-tilt pa yung head nila na para bang tinititigan pa ko. Ano ba? Ganon na ba talaga kalala ang eyebags ko?blindfold.gif

Ang hirap maging half-blind.

Hay.

emotion::very unfortunate
[naawa ka ba?]

Modus Operandi sa Facebook

Modus Operandi sa Facebook of gemini on November 23, 2009 at 02:47 AM |

Etong prof namin sa Theo, may modus operandi sa Facebook para mabilis na dumami ang friends niya...

May quiz raw kasi kami tomorrow sa Theo, ang pag-aaralan raw ay nasa Facebook niya, sa photos raw. I-add daw namin siya para makita namin. Nairita ako kasi hindi naman ako pala-add sa Facebook. I mean, never pa pala akong nag-add sa Facebook. Akala ko mananatili ang status ko na iyon hanggang sa mamamatay ako, pero dito nakasalalay ang magiging grade ko sa quiz kaya kinalimutan ko ang pride ko (for the nth time) at in-add siya.

Badtrip lang, ang tagal niya i-approve.

Kahit na last week pa niya sinabi, e sa ngayon ko lang naalala. Diba dapat lagi siyang online? Para ma-approve niya agad? Pano kung ngayon lang nakapag-internet shop ang isa sa mga studyante niya at in-add siya a few hours before tomorrow? So kung hindi niya ma-approve agad, kasalanan ko pa ngayon? Babagsak tuloy ako kasi hindi ko nakita yung pictures, ganon? Kasalanan ko pa rin kasi hindi ko siya in-add agad? Hayy. =))

Kunwari pa tong si Ma'am. Pwede namang i-public nalang niya yung profile niya. Kailangan i-add mo pa.

Pwede rin namang i-send nalang thru email.

At mas pwede ring kinopy-paste nalang niya dun sa laptop sa classroom tapos sinave nalang namin sa USB.

Papa-add pa siya diyan.

music::Mannequin - Katy Perry <3
emotion::psh
[5 ang naawa]

I FELL AND IT HURT.

I FELL AND IT HURT. of gemini on November 21, 2009 at 05:43 PM |

 


...literally and figuratively.

Literally:
Pauwi na kami ng blockmate ko, sabay kaming naglalakad pababa ng stairs, nang biglang parang may nagflash sa utak ko na para bang baka matapilok ako. Then in a snap, nahulog ako sa stairs. Totoo. Ang saklap pa ng pagkahulog ko; head first. Na-shock lahat ng taong nakakita. Basta ang alam ko lang paharap ako nahulog. Siyempre yung kasama ko sumigaw, then tinignan kung nagdugo ulo ko. Thank God hindi naman.

Kaso ang sakit ng bukol ko. Sana walang internal bleeding. Please.

Hindi ko rin talaga maalala kung bakit ako nalaglag. Hindi ko sure kung natapilok ba ako or nawalan ng balance. Ang tanging naaalala ko lang ay nung tapos na ko masubsob. Grabe. Ang tragic.

Major humiliation. Yung mga naka-saksi, nagkumpulan dun. Habang nakahawak ako sa right side ng noo ko, naka-cover yung mukha ko ng buhok ko. Sinadya ko yun. Alam kong di nila ako kilala, pero siyempre ayoko naman pag nakasalubong nila ko, malalaman nilang ako yung tangang nahulog sa stairs. Puro "shocks" rin ang naririnig ko mula sa mga babae. Sabi ko sa kasama ko, umalis na kami, as in magmadali na. Nahihiya na kasi ako. Gusto ko lang makawala sa center of attention.

Ang masaklap pa dito, may gasgas ako sa tuhod. Edi pumunta kami sa UST Health Service. Anak naman ng tipaklong, ang bumulaga sakin ay "Sorry, we're closed." Pano na kapag nabasag ulo ko? Pano na pag mas malala pa dun ang nangyari?

Dumiretso naman kami sa Emergency ng UST Hospital. Aba naman, porket wala silang nakikitang dugo, walang nag-a-approach! Mukha lang naman akong tanga dun for 5 minutes, hindi ko alam kung sinong kakausapin ko. Then nung may in-explain yung lalaki dun dahil minor injury lang ang natamo ko, umalis nalang ako. KAHIT MAN LANG COLD COMPRESS, BETADINE AT BAND-AID DI MAN LANG NILA BINIGAY!

Malas pa nito kasi pag-uwe ko, a-attend pa ko ng debut.

--

Figuratively:
Nasa debut na 'ko. Hindi ako nagpadala sa sugat at bukol ko sa ulo. Dazzling pa rin ako. (Yuck! LOL) Basta nung una, naligaw-ligaw pa kami as in.

Anyway, ok na sana ako e. Di ko alam invited din pala si past (yung kalandian ko nung HS na hindi naman naging kami, basta MU lang at siya ang dahilan ng mga kantang nagagawa ko before. Boohoo) at yung present niya. Oha. Na-shock lang naman ako. Well, supposedly okay na sakin. Okay naman talaga, awkward lang kasi hindi ako kinakausap nung girl. Sabagay bat naman niya ko kakausapin? Pero kung kinausap niya ko, hindi naman ako ganun ka-sama para dedmahin siya, irapan siya or worse sabunutan and gumawa ng iskandalo na dapat ako ang present ni past at hindi siya 'no. So ayun, natahimik lang ako bigla. Kasi pati 'tong kasama ko kinausap siya, e hindi pa naman dumating ang iba kong friends kaya wala na kong ibang ka-close dun.

Supposedly hindi ko yun dapat mararamdaman. Alin? Ewan, basta masakit sa mata. Hirap pa rin akong tignan siya. Kahit kinalabit niya ko para mag-hi--siyempre nag-hi rin ako--ang awkward pa rin talaga sakin! Bat ba hindi ko maramdaman yung looseness (hindi ko alam ang tugmang term) na supposedly dapat kong maramdaman after all these years. May katext naman ako nung time na yun na nilalandi ako. Bat ba hindi nalang dun mag-focus yung attention ko instead na maalala ang nakaraan?

Pero eventually, okay na. Pwede naman palang lumipat nalang sila ng table diyan, papahirapan pa 'ko. Pinaubaya na nga kita e, alam mo yun. Kahit na alam naming lahat--ibang tao and my closest friends--na someday, magbe-break din kayo. Hindi sa bitter ako. Inevitable yun, okay. Tsaka for sure si girl ang makikipag-break. Yes, I am so, totally sure.

Basta. Akala ko keri ko na. Keri ko naman pero hindi pa 100%. Insufficient closure kasi. Oh well.

emotion::hurt :(
[1 ang naawa]

last christmas

last christmas of badjawong on November 21, 2009 at 10:57 AM |

 

 

"Last Christmas
I gave you my heart
But the very next day you gave it away
This year
To save me from tears
I'll give it to someone special"

someone special? eh wala nga as of the moment, hindi yan ang priority ko as of now pero syempre hindi mo pa din maalis na literally MALAMIG ANG PASKO ko this year. magiisang taon na pala pero parang kahapon lang ang lahat. shet. well thats life, aside sa pagiging malas sa lahat, and i mean MALAS SA LAHAT, i still didnt move a bit.

anyways, next week ako manonood ng new moon na magisa, which is back to normal mode for me. sinong gustong sumama? treat ko! hehe..


[10 ang naawa]

♥♥♥

♥♥♥ of magnifysky on November 20, 2009 at 09:19 PM |

"I'm learning, I'm learning you now.
Stars fading, free falling into you

This time I'm sure of what I'm looking for.
And that's what I want you to know.
And I won't ever let you go, let you go

Underneath the waves,
I can feel you underneath the waves.

And I'm ready for you now,
I'm ready for you now.
Be ready for me now,
Be ready for me now. . ."

-underneath the waves, hale


[naawa ka ba?]

DEBUT

DEBUT of gemini on November 20, 2009 at 06:08 AM |

Ops next year pa ko mag-e-eighteen, so hindi ako ang may debut, kundi friend ko. Sa debut, may attire. Kasi kasama ako sa 18 treasures eh, so bali parang formal party siya. Meaning, ako'y magde-dress. Omg. Here we go again. Transform muna ulit ako sa girl. Iipunin ko na ang kikay-ness ko tomorrow.

At aayusan raw ako ni mader. Badtrip. Hindi pa naman bagay sakin yung mga mine-make-up niya sakin. Chinchansoo na naman ako. Hay.

At good luck nalang ulit sa paa ko dahil naghe-hello na sakin yung 3-inch shoes na pinapasuot sakin ni mader. Good luck talaga.

Wala pa rin pala akong regalo. Pati di ko lam pano papunta dun. Hay.

Hindi ko lang din alam kung pano kami magki-kitakits ng friends ko dun. Di namin alam kung san yung bahay ni friend eh. Di ko ma-imagine na naka-dress ako sa jeep. Ano ba naman yan.

Sana enjoy bukas. Sana parteyyyyyy! \:D/

book::The silver crown - Robert o 'brien

[naawa ka ba?]

I miss you. :(

I miss you. :( of gemini on November 19, 2009 at 01:25 AM |

Miss ko na yung parating pang-aasar mo sakin, kahit na puro panlalait na "emo" ang sinasabi mo, tapos bawat galaw ko pagtatawanan, lalo na pag wala kang magawa lalaitin mo nalang bigla yung bawat makita mong ginagawa ko.

Wala na tuloy akong malapitan pag babawian kita sa mga panlalait mo sakin. Siyempre papatalo ba 'ko sayo. Wala na rin akong makulit pag wala akong magawa. Wala na 'kong madaldal pag wala akong makausap.

Alam mo simula nung sinabi mo sa amin na magshi-shift ka ng course at lilipat ng school, nalungkot talaga ako. Hindi ko lang pinapahalata. Kaya nga nung patapos na yung 1st sem, talagang tinodo ko na ang pagba-bonding sa'yo kasi alam ko aalis ka na.

Naging showy ako sa'yo, bruha ka. Pero as usual, ikaw 'tong nagsasabi ng "eww" kahit na deep inside you nata-touch ka sa ginagawa ko.

Tapos nang mawala ka, hindi na tight ang tropa natin (ngayong college). Akala ko walang mababago sa tropa, pero meron pala. Hindi na 'ko masyadong makulit tulad noon, na pag ikaw yung kasama ko wala na, wala na tayong tigil.

Bat ka pa kasi nag-shift. Hayyy.

music::Here we stand - Amber Pacific
emotion:::(
[2 ang naawa]

CFAD DAY (kahit commerce ako)

CFAD DAY (kahit commerce ako) of gemini on November 17, 2009 at 06:59 AM |

Hi kamusta, ang lungkot ko kanina. Pero eventually nawala na rin siya dahil sa CFAD day na ito.

In-invite kasi ako ni stupid (Imy) na pumunta sa tapat ng Beato after class ko. Pero after 1 hour na ko nakapunta dun kasi inasikaso ko pa yung PE ko na... basta yun. Tapos ayon, may program-program pa yung CFAD, samantalang nung Commerce week namin, PARADE lang ang nangyari tapos tae-tae pa.

Tas etong si stupid sumali sa Karaoke contest!! Oh well, siya nga yung kumanta nung song namin for UST diba. Ayun, galing grabe! Kung na-videohan ko lang, magugulat kayo sa kawalan ng dignidad na ginawa niya. Anu-ano? Well..

  1. Kumanta siya ng How Could You Say You Love Me
  2. Hindi lang siya basta kumanta, nagwala po siya. TAKE NOTE: Nagwala
  3. Nagwala defined: bumaba sa stage, nagpatawa, pagbaba sa stage in-apir-an lahat nung nasa harap para kunwari fans niya, umakyat ulit sa stage, umupo dun sa may drums set, nag-gesture na nagdadrums habang kumakanta
  4. Bumirit siya, buti abot niya at hindi siya pumiyok
  5. Natawa ang audience sa kanya--as usual--at siyempre kaming mga friends niya (kahit ako lang ang hindi nya classmate) ay todo cheer sa kanya

Ayun lang naman. Worth it naman ang pagkawala niya ng dignidad dahil napasama siya sa top 3 finalists. Unfortunately, may isang competitor na super galing talaga, ala-JayR yung boses with hagod effects pa. Ayun, siya nanalo.

Tapos nanood rin ng Bandfest, with super nakakainis na bands, well not all, yung iba lang. Kasi ba naman diba!~~

Yung 1st super tagal magset-up as in 30 min na sila dun, tapos pagkanta parang.... ayoko na i-elaborate.

Yung sunod ayos naman, sila na yata pinakamatino dahil cute yung vocalist kahit hindi siya gano kagaling kumanta, pero nadadala niya sa pagwawala niya sa stage at dahil cute nga siya. Galing nung lead guitarist! May sarili siyang mundo.

Yung 3rd ewan ko ba kung anong klaseng kanta mga kinanta nila. Nerdy yung vocalist. Tapos rock yung tugtog. Hindi match eh. Super weird talaga. Tas screamo medyo tas pag kumakanta parang.... nevermind. Tas grabeeeee ayoko na. Ang evil ko na.

Yung sunod, matino rin. Maganda rin boses nung vocalist. No comment. Gwapo yung drummer kahit maitim.

Yung sunod ay mga professors na. Ayon dami nila kinanta kahit kalat-kalat sila. Haha. Galing nung lead guitarist.

Yung last ay ayos lang. Sila yung may pinakamagaling na vocalist.

After non, akala namin may Urbandub!! Chismis-chismis kasi meron, wala pala. Hay. Yun pa naman inantay ko, nagpagabi pa ko't lahat! Tapos ang main event pala ay yung One....Share? Ay ewan I forgot the name of the dance troupe. Basta ang tagal nila kaming pinaghintay. Hay sus.

BTW! Muntik pa pala akong mapasabak sa inuman! Mga blockmates kase nitong si stupid ay nagyayaya mag-inuman. Siyempre kasama niya ko so bali mapapasama ako sa inuman. Nung una umayaw ako. Tapos buti na-cancel kasi uuwi na yung isa. Yung uuwi na, medyo naging friends kami, tapos sabi niya sumama raw ako sa Thursday sa inuman nila. Hay. As if. Mabait akong bata okay.

At kadiri ang lasa ng beer.

music::LSS lang sa Daliri (?) - Kjwan
emotion::sleepy, tired...
[naawa ka ba?]
« Newer | »